Linggo, Hulyo 27, 2014

kabihasnan sa pasipiko (pinanggalinggan wikepedia)


Melanesia nagmula sa salitang Griyego na melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ang kahulugan ay isla. Binubuo ito ng mga pulo ng New Guinea, New Caledonia, New Hebrides, Fiji, mga Pulo ng Solomon at iba pa. Kaya tinawag na melanesia ang mga isla rito dahil ang mga nakatira rito ay maiitim ang kulay ng balat. Ang pulo ng New Guinea ang pinakamalaking pulo sa Melanesia maging sa buong Oceania.

Micronesia nangangahulugang maliit na mga pulo. Kabilang dito ang Marianas, Guam, Wake Island, Palau, ang Marshall Islands, Kiribati, Nauru, at ang Federated States of Micronesia. Matatagpuan ang karamihan ng mga pulong ito sa hilaga ng ekwador.

Polynesia nangangahulugang maraming mga pulo. Kabilang dito ang New Zealand, ang Hawaiian Islands, Rotuma, ang Midway Islands, Samoa, American Samoa,Tonga, Tuvalu, ang Cook Islands, French Polynesia, at Easter Island. Ito ang pinakamalaki sa tatlong pangkat.

Kabihasnan sa Africa (pinanggalinggan sa aklat na Pagtanaw at Pagunawa: Daigdig)

Maliban sa Egypt, may mga sumibol pang kultura at kabihasnan sa africa. Isa sa mga sinaunang kultura ay ang mga taong Nok na nanirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200 CE. Ang mga Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa bahaging iyon ng Africa. Lumikha rin sila ng mga kasangkapan gamit ang luad, kahoy, at mga bato

Kabihasnan sa America (pinanggalinggan wikepedia)



1) MAYA- ay mga American Indians na nagkaroon ng sariling sibilisasyon sa Gitnang Amerika at Timog Mexico noong 300-900 AD.
YUCATAN- dito naninirahan ang ang pinakamalaking tribo ng Maya.
RELIHIYON
Ang mga MAYA ay naniniwala sa humigit-kumulang 160 na diyos at diyosa.
HUN HUNAHPU- diyos ng mais.
CHAC- diyos ng ulan.
KINICH AHAU- diyos ng araw.
IX CHEL- diyosa ng buwan.
MAIS AT BEANS- tinatanim ng mga magsasakang maya.
KONTRIBUSYON NG MAYA SA MUNDO
MAYAN CALENDAR- nagsasaad kung kelan ang maswerteng at araw at kelan ang di-maswerteng araw.
IDEOGRAPHIC WRITING
2) AZTEC- ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Mexico. Doon naninirahan ang mga Aztec dahil sa angkop na klima at dahil na rin sa matabang lupa.
RELIHIYON
Ang mga AZTEC ay naniniwala sa mga sumusunod na bathala:
HUITZILOPOCHTLI- bathala ng digmaan.
TANATIUH- bathala ng araw.
TLALOC- bathala ng ulan.
QUETZALCOATL- may pakpak at isang bathala at tinuturing isang bayani.
PAGSASAKA- kinabubuhay ng mga Aztec at para makasigurado sa masaganang ani, madalas ang pagsasagawa ng seremonya para sa kanilang mga bathala.
HERMAN CORTES- sumakop sa buong Mexico.
3) INCA- ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa Latin Amerika.
-Magaling na inhinyero at mahusay gumawa ng kalsada at tulay ang mga Inca. Ang mga daan ay gawa sa bato, at ang mga tulay na nakabitin ay yari sa lubid at baging.
HUACA- itinuturing "banal" ng mga INCA.
SAPA INCA- tawag sa pinuno ng Imperyong Inca.

Kabihasnan sa Asya (pinanggalinggan wikepedia)



Nag bago ang pamumuhay ng tao sa Panahong Neolitiko. Nagsimula ang malawakang pagtatanim o agrikultura at ang pag-aalaga ng hayop. Depende sa kanilang kapaligiran.



Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay natutong magtanim ng trigo, barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan sa disyerto at steppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa disyerto.

Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.

Sibilisasyon
mula sa salitang ugat na civitas

masalimuot na pamumuhay sa lungsod

Kabihasnan
nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng isang pangkat ng tao.

* Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan:

1. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
2. Masalimuot na rehiyon
3. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
4. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
5. Sining at agrikultura
6. Sistema ng pagsusulat

* Noong unang panahon, ang mga namumuno sa mga lungsod ay matataas na Pari.

Politeismo:

- paniniwala sa maraming diyos

* Mayroon dalawang uri ng pinuno noon:

1.Pinunong pulitikal-militar (hari)

2.Pinunong Panrelihiyon (pari)

kabihasnan sa tsina (pinanggalinggan wikepedia)



Mga Dinastiya sa China
1. Zhou o Chou (112 B.C.E. – 221 B.C.E.).



· Naipasa sa dinastiyang Zhou ang “Basbas ng Langit” at ang titulo na “Anak ng Langit”.
· Naimbento ang bakal na araro.
· Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho.
· Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan.
· Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot.
· Dahil malawak ang teritoryo ang Zhou, humina ang control nito sa mga nasasakupang estadong lungsod.
· Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado owarring states.
· Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.
· Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.

2. Qin o Ch’in ( 221-206 B.C.E).



· Nagapi ng Qin ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni Zheng.
· Napabagsak ni Zheng ang Zhou noong 221 B.CE.
· Idiniklara ni Zhen gang sarili bilang si Shi Huangdi o Shi Huang Ti, na nangangahulugang “Unang Emperador”.
· Naganap ang kosolidasyon sa China sa panahon ng Qin.
· Pinili ni Shih Huangdi bilang tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism.
· Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan, ayon sa Legalism.
· Si Li Xi, isa sa mga legalista, ang nagaing punong ministro ni Shih Huangdi.
· Ayon kay Li Xi, makasasama sa China ang maraming libro at ideya na tumutuligsa sa Qin.
· Sinunog ang lahat ng libro sa China at maraming skolar ang hinuli at piƱata, iniwan lang ang mga aklat tungkol sa agrikultura, medisina, at mahika.
· Inutos ni Shih Huangdi na ipatayo ang Great Wall Of China bilang proteksyon sa pagatake ang mga kalaban.
· Sa pagkamatay ni Shih Huangdi bumagsak din ang dinastiyang Qin.

3. Han (206 B.C.E – 220 C.E.).




· Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China.
· Itinatag ito ni Liu Bang noong 206 B.C.E.
· Pinalitan niya ang mararahas na patakaran ng Qin.
· Ang Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya.
· Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wu ti.
· Pinalawak ni Wudi ang teritoryo ng Han sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo.
· Sa panahon ng Han napatanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan.
· Sa tala ang dinastiang Han, nakarating sa Rome ang isang pangkat ng mga Tsinong juggler.
· Nakarating sa rome ang seda ang China na tinatawag naseres.
· Sa dinastiyang ito naimbento ang papel, porselana, atwater-powdered mill.
· Nabuhay sa panahong ito si Simaqien, ang dakilang historyador ng China.

Kabihasnan sa India (pinanggalinggan wikepedia)



Hindi maipagkakaila na lunduyan ang Asia ng mga sinaunang kabihasnan. Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, sumibol ang kabihasnang ito sa mga ilog-lambak ng Indus na nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Pakistan ngayon . Umunlad ang kabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.

MOHENJO-DARO
HARAPPA

Sabado, Hulyo 26, 2014

KABIHASNAN EGYPTIAN (pinanggalinggan wikepedia)

Kalagayang Heograpika

Egypt – Matatagpuan hilagang silangang asya kung saan umaagos ang Nile river.
Ilog Nile- may habang 6671 km mula sa kabundukan ng Africa pallabas ng Mideterranean Sea.
-umaapaw ang tubig tuwing Hulyo at bumabab sa buwan ng Oktubre
Herodotus- isang historian na Greek na nagsabing ang ang kabihasnang Egyptian ay handog ng Nile (gift of Nile).
Sahara at Libyan Desert – matatapuan sa kanluran at timog ng bansa, naging harang at pahirap sa pananakop ng mga dayuhan.
Kasaysayan
7000BCE- nagsimulang nagkaroon ng pamayanan sa tabi ng ilog Nile.
-natutunan nila ang pagtatanim sa mainam na lupain at pag aalaga ng mga hayop tulag ng baka,kambing at tupa
3200BCE- ang pamayanan ay nagkaisa at nakapagtatag ng dalawang kaharian:
a. Mababang Egypt- nasa hilagang bahagi ng Nile river, ang kanilang hari ay may kulay pulang korona.
b.Mataas na Egypt- nasa timog na bahagi ng Nile river
3100BCE- napag-isa ang 2 kaharian ng masakop ni Menes hari ng mataas na Egypt ang katunggaling kaharian.
Memphis- ang naging kabisera ng pinag-isang kaharian, dito rin nagsimula ang unang dinastiya sa Egypt na umaot sa 31.
Pharaoh (paraon)- tawag sa mga pinunong Egyptian na ang ibig sabihin ay dakilang tirahan, na nang lumaon ay itinuring na mga diyos na nasa pisikal na anyo ng tao.
Mga Tungkulin at kapangyarihan ng Pharaoh
• Magkontrol ng ekonomiya at kalakalan
• Mamahala sa kanyang nasasakupan
• Magpatupad ng mga batas at patakaran.
• Magpanatili ng maayos na sistemang pag irigasyon
• Mangalaga ng tao sa panahon ng kalamidad at tag-gutom
• Magpanatili ng ng kaayusan at katahimikan ng kaharian.
• Manguna sa mga seremonya at panrelihiyong ritwal.
• Manguna sa hukbong sandatahan ng Egypt
Vizier- pangunahing opisyal ng pharaoh na katuwang niya sa panganagasiwa ng kaharian at nagsisilbing kanyang tagapayo sa mahahalagang usapin.
Ang Egypt sa Iba’t Ibang Panahon
Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.)
-Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.
Pyramid- isang malaking gusali na nagsilbing libingan ng mga paraon, mahigit 80 ang nagawang pyramid sa panahon ng lumang kaharian.
Mga namuno
1. Menes (3100BCE) – naging batayan ng lumang kaharian ang kanyang pamamahala sa pinag-isang kaharian.
2. Zoser o Djoser(2750 BCE) – sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780. Idinesenyo ni Imhotep, ang punong tagapayo ni Zoser at isang magalingna arkitekto
3. Khufu o Cheops (2650 BCE) – sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao.
4. Unis – sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan ng Hieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon ng paglilibing sa paraon at ang kanyang kahahantungan sa kabilang buhay.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis.
• Mahina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na hari.
Gitnang Kaharian (2040 B.C. – 1786 B.C.)
Sa panahong ito hindi ganap ang kapangyarihan ng mga pharaoh.
Thebes- bilang kabisera ng Egypt.
-sa panahong ito hindi na inililibing ang mga paraon sa pyramid kundi inilalakad ang kanilang mga labi sa lugar na tinatawag valley of king.
-pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod:
1. Amenemhet I (1991-1962 B.C.) – Binuo niyang muli ang Ehipto mula sa kaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang Kaharian. Binuhay niya ang pakikipagkalakalan sa Palestina at Syria.
2. Amenemhet III (1842-1797 B.C.) – Siya ang nagpagawa ng sistema ng irigasyon sa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon.
Hykso- pangkat ng mga asyano na lumusob sa Egypt at sinakop ang Nile Delta noong 1640BC, sa loob ng mahigit 100 taon napasakamay nila ang Egypt.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yaman na gitnang uri.
• Pagsalakay ng mga Hykso mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C.

Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
-Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil dito nagsimula ang pananakop ng mga
sinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may mahalagang
ambag ay ang sumusunod:
1. Ahmose – itinaboy ang mga Hykso palabas ng Ehipto at sinimulan ang Bagong Kaharian. Itinatag niya ang kauna-unahang magaling na hukbong pandigma gamit ang natutuhan mula sa mga hykso.
2. Thutmose II (1512 B.C.) – idinagdag sa imperyo ang Nubia, Syria, at Palestina.
3. Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig; nagpatayo siya ng mga templo at nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysa pananakop ng lupain.
4. Thutmose III – itinuturing na magaling na mandirigma; napalawak ang imperyo hanggang sa mga baybayin ng Euphrates. Nagpatayo siya ng magagarang templo sa panahong ito. Ang pinakamagara ay ang mga templo sa Kamak at ang apat na Obelisk na kinauukitan ng mga tagumpay niya.
5. Amenhotep IV o Ikhnaton (1300 – 1358 B.C.) – nagpasimula ng monoteismo o pagsamba sa iisang diyos, Aton, na itinuturing niyang pinakamataas at pinakamagaling.
6. Tutankhamen (1358 – 1353 B.C.) – ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang polyteismo o paniniwala sa maraming diyos sa panahon niya.
7. Rameses II (1304 -1237 B.C.) – Ipinagtanggol niya ang imperyo laban sa mga sumasalakay na Hittite mula sa Gitnang Asya. Nag-iwan siya ng maraming sariling monumento.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pagpapabaya sa ekonomiya ng kaharian.
• Pagsalakay ng mga Hittite sa mga kolonya ng Ehipto na nagdulot ng pagkawala ng mga buwis ni kinukolekta mula rito.
• Pag-aalsa sa loob ng kaharian.
• Pagsakop ng mga Assyrian noong 570 B.C., ng mga Persiano noong 525 B.C., at ni Alexander the Great ng Macedonia noong 332 B.C.
Lipunan at Kultura
• Sumasamba sa mga diyos at diyosa tulad nina Amn Re, diyos ng araw; Osiris,diyos ng Nile; Isis, asawa nito; at iba pa.
• May apat na uri ng tao sa lipunan: ang mga maharlika, pari, at pantas; mga sundalo; mga karaniwang mamamayan; at mga alipin.
• Naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na pinagmulan ng dalawa sa dakilang pamana nila sa kabihasnan, ang pag-eembalsamo at ang piramide.
• Umusbong ang gitnang uri ng tao sa lipunan sa panahon ng Gitnang Kaharian.
Ekonomiya:
• Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipsyano. Sila ay mga platero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.
• Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng barley, trigo, at mga gulay.
• Nagmina rin sila ng tanso at ginto.
• Nagkaroon ng palitan ng kahoy na cedar mula sa Phoenician at olive oil mula sa Crete para sa flax, papyrus, inasnang isdang alabaster at ginto ng Ehipto. Ang kalakalang ito ay nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.
• Nagkaroon ng bugso ng pagtatayo ng mga kanal at daan.
• Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mga mamamayan.
Ambag sa Kabihasnan:
• Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang paghaba ng Nile.
• Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na Hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 BCE. Itoay binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na may tig-dalawang katinig.
• Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.
• Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmula rin sa mga sinaunang Ehipsyano.
• Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummy sa Medum ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong panahong iyon.
• Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sa panahon ni Haring Djer noong 2900BC
• Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
• Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang ito ng irigasyon.
• Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.